Hindi ko ba alama kung bakit ngayong kolehiyo na ako marami na akong mga bagay na ako mismo ay naguguluhan kung ano ba talaga ang mga ito.
Ako man ay nasisiyahan dahil sa pagpasok ko sa isa na namang lebel ng aking buhay masasabi ko nang kaya ko nang harapin ang isa na namang pagsubok ba kailangan ko na namang lampasan at 'yan ay ang aking paghahanda para sa aking kinabukasan. Ngunit sa kasawiang palad, parang nakikita ang hirap ng bawat pagsubok na nailalapat sa akin upang mas lalo akong mahasa. Nagiging komplikado ang lahat na para bang pinaglalaruan ka ng kapalaran upang ika'y maging mahusay na nilalang.
Naiintindihan ko na bawat pangyayari o karanasan na aking nakamit nung ako ay bata pa lamang ay mayroon palang kahulugan. Hindi ko lubos maisip na sa bawat hakbang na aking tahakin, nakarating na pala ako sa ganitong kalayong landas.
No comments:
Post a Comment